BUTUAN CITY – Nasakote ng pulisya ang Sangguniang Kabataan o SK Chairman ng Brgy. Masao nitong lungsod ng Butuan na si alyas Jojo at ang kasamahan nitong high-value individual na kinilala lamang sa pangalang si alyas Baki matapos makuhanan ng siyam na sachets ng suspected shabu na may timbang na 25-gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱170,000.00.
Ito’y sa isinagawang drug-buy bust operation ng mga tauhan ng City Drug Enforcement Unit o CDEU at ng Butuan City Police Station-1 dakong alas-10:40 kagabi sa loob ng isang inn sa P2, Brgy. San Ignacio nitong lungsod.
Nakumpiska rin mula sa mga suspek, ang mga Android phones, buy-bust money at mga drug paraphernalia.
Nasa kostudiya na sila ngayon sa City Drug Enforcement Unit habang hinahanda ang mga ebidensyang gagamitin para sa pagsasampa sa kanila ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.