TACLOBAN CITY- Sugatan ang isang SK Chairman matapos itong pagsasaksakin sa Barangay 10, Lawaan Eastern Samar.
Kinilala an biktima kay Renolex Enciso, 25 anyos at residente ng nasabing barangay, habang kinilala naman ang suspek kay Ramil Escalo, 30-anyos laborer, at residente rin ng nasabing barangay.
Ayon kay PLT. Ericson Balbaboco, OIC-Chief of Police han Lawaan Municipal Police Station, sinaway nang biktima an isang lasing na lalaki na plano nitong saksaksakin an isang indibidwal gamit ang isang bote.
Habang kinilala naman ang kursunadang patayin kay Angelo Molopio, 24 anyos residente ng Lawaan Eastern Samar.
Base sa imbestigasyon, hindi intensyon na saksakin ang biktima, pero dahil sa naki-alam ito nagalit ang suspek kung saan siya nalang ang pinagbuntunan nito.
Agad namang dinala sa malapit na ospital ang biktima para mabigyan nga agarang medikasyon.
Dagdag pa ng opisyal, agad din namang nadakip ang suspek at presente itong nasa kustodiya ng mga kapulisan at preno-proseso na ang kaso na isasampa sa suspek.