-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Kinondena ng Sangguniang Kabataan (SK) Federation sa bayan ng Daraga, Albay ang nangyaring pamamaslang sa isang SK chairman sa Brgy. Ibaugan.

Pinagbabaril ng apat na suspek si Jane Nunez-Moneda, 25-anyos, hanggang sa binawian ito ng buhay.

Ayon kay Khay Gomez, SK Federation-Daraga President, hindi matatawaran ang serbisyo bilang leader ni Moneda habang isa ring mabuting ina sa mga anak at mabuting kaibigan para sa mga kapwa SK chairman.

Umapela si Gomez sa pulisya na hulihin at ikulong ang mga responsable sa nasabing krimen upang makuha ng naiwang pamilya ang hustisya sa nangyari kay Moneda.

Nagpaabot rin ito ng pakikiramay at pakikidalamhati sa nangyari.