-- Advertisements --
suspect handcuffs 2023 07 26 17 15 48

Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang isang Sangguniang Kabataan councilor o kagawad at dalawang indibidwal matapos ang isinagawa nilang buy-bust operation sa isang pinaghihinalaang drug den sa Barangay Capaya 2, Angeles City , Pampanga.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga suspect na sina Aiko Bernabe, 25 anyos, SK kagawad, Elmer M. Mallari, 37 anyos at Abehail M. Dizon, 36 anyos.

Nakuha sa pag-iingat ng mga ito ang 15 grams ng pinaghihinalaang shabu .

Ito ay tinatayang mayroong street value na P103,500.

Bukod dito ay nakuha rin sa kanilang pag-iingat ang buy-bust money,drug paraphernalia isang caliber .38 revolver at dalawang bala.

Ang operasyon ay isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency- Aurora at Pampanga at ang subject ng kanilang raid ay si Elmer M. Mallari

Ang mga suspect ay mahaharap sa mga kasong may kinalaman sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.