-- Advertisements --
Malungkot na ibinahagi ni skateboarding legend Tony Hawk na ito ay nagtamo ng injury sa kaniyang binti.
Sa Instagram post ng 53-anyos na si Hawk sinabi nito na patuloy ang kaniyang pagpapagaling.
Hindi naman na idinetalye kung paano niya natamo ang injury.
Nagpost din ito ng mga larawan habang ito ay inaalalayan ng isang nurse.
Tiniyak naman nito na kapag gumaling na ay babalik na siya sa paglalaro.