BACOLOD CITY – Balik training na si Olympic prospect at 2019 Southeast Asian (SEA) Games gold medalist Margielyn Didal sa kabila ng lockdown na ipinapatupad sa Cebu City.
Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Philippine Sports Commission (PSC) officer-in-charge Ramon Fernandez, ginagawa aniya ni Didal ang lahat upang mas gumaling pa sa kanyang training habang nag iingat din sa kanyang kalusugan.
Dagdag pa ni Fernandez, kasunod ng pag-apruba ng Inter-Agency TAs Force (IATF) sa training nito ay pasasamahan pa siya para tumawid sa border mula sa Cebu City na naka-ECQ patungong Lapu-Lapu City na nasa ilalim ngayon ng GCQ kung saan pwede ang ilang outdoor sports gaya ng skateboarding.
Si Didal, na kasalukuyang No. 14 female street skater sa buong mundo, ay target din makapaglaro sa Tokyo Games.
Kailangan naman nitong manatili sa Top 20 at sumali sa Olympic qualifiers kapag ianunsyo na ang panibagong mga schedule.