-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Masayang ibinalita ni Kabacan Cotabato mayor Evangeline Pascua-Guzman ang pagbubukas muli ng Skilled Birth Attendant Facility o Lying-In ng bayan matapos ang abot sa isang taon.

Aniya, maliban sa pandemya noong nagdaang taon at isinaayos ito upang mas maging komportable para sa mga ina na manganganak.

Sa katunayan, noong January 3, 2023, isang sangol na babae ang isinilang sa nasabing pasilidad at namangha ang nanay na tila private room ng isang hospital ang nasabing paanakan.

Samantala, nagpaalala naman si Mayor Gelyn sa mga gustong manganak sa lying-in na kailangan ang mangangak ay walang komplikasyon, 19-35 years old, at mahigpit na ipinagbabawal ang first born baby na sa pasilidad ipapaanak.

Siniguro din ni Mayor Gelyn na maliban sa libre basta mayroong Philhealth ang manganganak ay 24/7 na mayroong tao sa lying-in upang magbigay ng serbisyo.