-- Advertisements --
Photo courtesy of Premier Boxing Champions

Hindi umano natitinag si British boxer Amir Khan kahit siya ang itinuturing na underdog sa kanilang bakbakan ni pound-for-pound great Terence Crawford sa Abril 20.

Ayon kay Khan, batid umano nito kung gaano kalaki ang hamong kanyang susuungin, maging ang liit ng tiwalang ibinibigay sa kanya para magwagi sa naturang bakbakan.

“I’m not taking this fight lightly; I know I can win with my boxing skills,” wika ni Khan. “This is the time when I can prove myself—and prove everyone (else) wrong.”

Inamin naman ni Khan na mayroon umano silang hindi pagkakasunduan ng kanyang kampo hinggil sa nasbaing boxing match.

“When this fight was presented to me as a big pay per view event, I accepted with (open arms); my team didn’t agree with me as much but this is the fight I wanted,” ani Khan.

Sa kabila nito, ipinagmayabang ni Khan na lumalabas daw ang kanyang angking galing kapag kalaban ang mga malalakas na boksingero.

Aniya, mamumuhunan daw ito sa kanyang kakayahan at sa kanyang boxing IQ.

“In this fight, I have to be on my A-game and can’t make any mistakes.

“I’m not going in there thinking I’m the bigger and stronger fighter. I’m going to use my skills. That’s what’s going to win me the fight, my skills, not my power. I’m going to win with skills and my boxing IQ.”

Maghaharap ang dalawa sa Madison Square Garden sa New York City sa nabanggit na petsa.