DAVAO CITY – Nakatakdang mag-uunahan sa trail ang 300 runners mula sa 20 mga bansa para sa tatlong araw na Mt. Apo Sky and Vertical Race na magsisimula bukas hanggang sa petsa 18 sa Sta. Cruz, Davao del Sur. Ayon kay Sta. Cruz tourism officer Julius Paner, unang pagkakataon ito na isasagawa sa Mt. Apo ang international racing event.
Ang Mt. Apo and Vertical Race ay inorganisa ng Asia Trail Master, isang international trail running organization na nakipag tulungan sa Sta. Cruz para sa hosting sa culmination at championship final. Sa naturang event, mag-uunahan ang mga trail runner sa tatlong kategorya ang 50, 75, at 100 kilometers.
Ayon kay kay Race director Romualdo Cabales na ang magiging champion sa Sky and Vertical Race ang idideklarang fastest in Asia at ang magiging winner sa 100-km category ang siyang magrerepresenta sa bansa para sa darating na international race sa Abril 2023.
Ginigyang diin ni Department of Tourism (DOT)-Davao director Tanya Rabat-Tan ang naturang event na siyang isang malaking oportunidad upang mas makilala pa si Mt. Apo na siyang nagsilbing icon sa Davao para sa international delegates.
Dagdag pa ng DOT Davao director, isa itong magandang simula para sa pagsigla ng turismo sa rehiyon mula sa dalawang taong restrictionssa COVID-19 pandemic.
Base sa datos ng National Economic Development Authority (NEDA)-Davao na inilabas noong Pebrero 7, napag-alamang bumaba ang bilang ng tourist arrival sa Davao Region na umabot lang ng 1,306,732 noong 2021 o mas mababa ng 3.9% mula sa 1,360,168 noong 2020.