-- Advertisements --

Maaari umanong bawiin ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang utos nitong itigil muna ang konstruksyon sa bahagi ng Skyway Extension Project kung saan may nangyaring aksidente noong nakalipas na weekend.

Ayon kay Bello, posible raw nitong aprubahan ang rekomendasyon ng Department of Labor and Employment-National Capital Region na alisin na ang work stoppage order laban sa contractor na EEI Corporation.

“Equally acknowledged is the fact that the suspension of said project in the unaffected areas will cause prejudice to the employees assigned/deployed thereat whose livelihood heavily depends on the said project’s continued operation,” saad ni Bello.

Nakatakda sana itong matapos sa Disyembre ngunit nausod sa Pebrero 2021.

Una nang binaligtad ni Bello ang desisyon ng DOLE-NCR na itigil ang construction activity sa buong Sucat Alabang Viaduct section ng Skyway Extension Project, dahil sa aniya’y “utmost national importance” ng proyekto.

Noong nakalipas na Sabado, isang ang patay habang apat ang sugatan nang bumagsak ang isang steel girder sa anim na sasakyan sa lungsod ng Muntinlupa.