-- Advertisements --
Nominado bilang Dunk of the Decade ng FIBA ang one-hand dunk ni Gilas Pilipinas guard Gabe Norwood sa harap ng beteranong Argentinian basketball star Luis Scola.
Isa ang nasabing hindi makakalimutang pangyayari noong 2014 World Cup sa Spain sa kabuuang 31 mga entries.
Kinabibilangan ito ng mga dunk na ginawa ng NBA players na sina Luca Doncic ng Slovenia, James Harden at Jaylen Brown ng ng US at Giannis Antetokounmpo ng Greece.
Sinabi ng 35-anyos Filipino-American player na tila pinersonal ni Escola ang pangyayari noon dahil pagkatapos aniya ng laro ay hindi man lamang siya makatingin ng diretso.
Tila nakabawi naman sa nasabing laro noon si Scola dahil nakapagtala siya ng 19 points sa panalo ng Argentina kontra Gilas sa score na 85-81.