-- Advertisements --

Itinuturing na bayani ng NorthPort si Greg Slaughter sa overtime na panalo nila sa Rain or Shine 91-88 sa nagpapatuloy na 2021 PBA Philippine Cup.

Nagtala kasi ng 25 points at 11 rebounds si Slaughter sa laro na ginanap sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.

Tila nakabawi naman si NorthPort coach Pido Jarencio sa naging pagkatalo nila sa Alaska dalawang araw na ang nakakalipas.

Nagtala naman ng 25 points si Robert Bolick para makuha ang limang panalo at limang talo katabla ang NLEX.