Nagpasya si Barangay Ginebra big man Greg Slaughter na magpahinga muna makaraang mag-expire na ang kanyang kontrata sa ilalim ng Gin Kings.
Inanunsyo ng 31-year-old center ang naging desisiyon nito sa kanyang Instagram post.
“Six years, four championships, a lifetime of experiences and memories. It has been a fun ride with this team,” saad ni Slaughter.
“I will be forever proud to have played for Ginebra, a dream of mine that came true when they drafted me in 2013.”
Naging malaki ang ginampanang papel ni Slaughter sa nakamit na tagumpay ng koponan sa nakalipas na dekada.
Dito ay limang beses na itinanghal si Slaughter bilang All-Star, at ginawaran pa ng Best Player of the Conference award noong 2017.
Hindi naman bahagi si Slaughter ng naging kampanya ng Gin Kings patungo sa 2016 Governors’ Cup championship dahil sa nagpagaling ito mula sa napunit nitong ACL.
Gayunman, naging laman ng mga trade rumor si Slaughter kahit na nagwagi ang Ginebra sa 2019 PBA Governors’ Cup kung saan nila dinispatsa ang Meralco Bolts sa limang laro.
“With that, now that my contract has expired, I’ve decided to take a break to be able to work on myself in all aspects,” saad nito.
“I may not know what the future holds, but one thing is for sure, the best is yet to come!”