-- Advertisements --

Muling kinansela ang inaabangan concert ng heavymetal band na Slipknot.

Nakatakda sana ang kanilang concert sa Enero 15, 2021 subalit dahil sa coronavirus pandemic ay kanselado na ito.

SlipKnot concert
SlipKnot concert

Ito na ang pangalawang beses na nakansela ang concert dahil unang itinakda ang concert noong March 29, 2020 sa Amoranto Stadium sa Quezon City.

Hindi naman binanggit ng banda kung kailan muli gaganapin ang nakatakdang concert.