-- Advertisements --

Nakatakdang ibenta sa auction ni heavymetal band Slipknot lead vocalist Corey Taylor ang kaniyang 13 gitara para makalikom ng pera sa pagtulong sa mga naapektuhan ng coronavirus.

Ibebenta ang nasabing mga gitara sa eBay nga hanggang Mayo 7.

Bawat gitara ay pirmado ng singer na may kasamang case at letter of authenticity.

Ilan sa mga dito ay ang kaniyang Gold Top Gibson Classic Les Paul, Fender acoustic guitar, SDGRbass ganun din ang pearl blue Gibson Dave Grohl Signature at gold metallic Gibson Memphis Dave Grohl DG-335 collection guitars.

Tatapatan din ng eBay ng $1 million na donasyon sa non-profit organizaton kapag naibenta lahat ng nabanggit na gitara.