-- Advertisements --

Mahigpit na ipinagbabawal sa Mississipi sa Estados Unidos ang campaign propaganda sa araw ng eleksyon.

Ayon kay Bombo International Correspondent Sonia Provido Short direkta sa Mississippi, USA, iligal sa nasabing estado ang pagpunta sa mga polls na may campaign memorabilia o ang pagsuot ng damit na may nakalagay na “Make America Great Again” o mas kilala na slogan ni US President at Republican na si Donald Trump.

Bawal rin ang “Build Back Better” na slogan naman ng democrat na si Joe Biden.

Ayon kay Short, seryoso ang otoridad sa Mississipi sa pagbabawal sa campaign propaganda kung saan itinuturing na paglabag sa batas ang pamimigay at pagdala ng mga ito malapit sa polling precinct.