-- Advertisements --

Wala na sa kritikal na kondisyon si Slovak Prime Minister Robert Fico matapos na pagbabarilin ng 5 beses sa assassination attempt makaraang makipagpulong sa central Slovak town ng Hanlova.

Ayon kay Deputy PM Tomas Taraba, matagumpay ang ilang oras na operasyon sa PM at naniniwalang mabubuhay ito.

Una ng iniulat ng defense minsiter na nasa kritikal na kondisyon si Fico matapos ang asasinasyon sa kaniya.

Agad namang nadakip sa pinangyarihan ng krimen ang 71 anyos na writer at political activist na suspek.

Inilarawan naman ni Interior Minister Matus Sutaj Estoka ang insidente bilang politically motivated assassination attempt.

Sinabi din ng Defense minsiter na malapitang binaril ang PM kung saan ang 1 bala ay tumama sa kaniyang tiyan at ang ikalawa naman ay sa kaniyang joint.