-- Advertisements --

Tinalo ng Slovakian ice hockey team ang US sa kanilang paghaharap sa 2022 Beijing Winter Olympics 3-2 sa overtime.

Naging dramatic ang panalo ng Slovakia dahil naipasok nila ang kanilang winning goal sa huling minuto ng overtime 3-2.

Nasa 44 seconds na sana ang USA team para makapasok sa semifinals subalit naitabla ni Slovakia captain Marek Hrivik ang laro 2-2 para madala ang laro sa overtime.

Nakapagtala ng isang puntos ang Slovakia sa overtime sa pamamagitan ng penalty shootout kung saan may tsansa sana si USA captain Andy Miele na maitabla ang laro subalit naharang ni goalie Patrick Rybar ito.

Naging malaking hamon sa hockey team ng USA ang Beijing Olympics matapos na hindi payagan ng National Hockey League (NHL) na lumahok ang mga national team nila dahil sa pangamba sa COVID-19.

Dahil sa panalo ay abanse na ang Slovakia sa semifinal round ng torneo.