-- Advertisements --
Zuzana Caputova

Nagwagi bilang kauna-unahang babaeng pangulo ng Slovakia si Zuzana Caputova.

Tinalo ng anti-corruption candidate si Maros Sefcovic, isang high-profile diplomat.

Nakakuha ang 45-anyos na si Caputova ng 58% votes habang mayroong 42% lamang ang kay Sefcovic.

Nakilala si Caputova noong hawakan niya ang kaso laban sa illegal landfill sa loob ng 14 taon.

Nakatakdang manumpa sa puwesto bilang bagong pangulo si Caputova sa darating na Hunyo 15 kapag matapos na ang termino ni Andrej Kiska, ang kasalukuyang pangulo ng bansa.