-- Advertisements --

Nagpatupad ng dalawang linggong lockdown ang Slovakia para tuluyang mapababa ang kaso ng COVID-19.

Nagsimula ito nitong Nobyembre 25 kung saan maraming mga establishimento ang isinara.

Maari lamang lumabas ang mga tao kapag sila ay pupunta sa mga paaralan, doktor at sa trabaho.

Aabot lamang kasi sa 45.7% sa 5.5 milyon na populasyon ng bansa ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.