-- Advertisements --

Pormal na binuksan ng Slovenia ang embahada nito sa Maynila noong Marso 11, ang kauna-unahang Slovenian embassy sa Southeast Asia.

Ayon kay Slovenian Foreign Minister Tanja Fajon, palalakasin nito ang ugnayan ng Slovenia at Pilipinas, pati na rin ang pagbubukas ng merkado para sa mga Slovenian na kumpanya.

Kasabay nito, lumagda sina Fajon at Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac sa isang kasunduan para sa ligtas at patas na oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino sa Slovenia.

Pinuri ni Fajon ang sipag at propesyonalismo ng mga Pilipino, na aniya’y nagbibigay ng mahalagang kontribusyon sa kultura ng Slovenia.

Samantala, nakipagpulong din si Fajon kay DFA Secretary Enrique Manalo upang talakayin ang iba pang larangan ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.