-- Advertisements --
Itinigil ng Slovenia ang paggamit ng COVID-19 vaccine na gawa ng Johnson & Johnson matapos ang pagkasawi ng isang babae.
Nagtamo kasi ng brain hemorrhage at blood clots ang isang 20-anyos na babae ilang araw matapos na ito ay mabakunahan.
Dahil dito ay maraming mga residente ng Ljubljana ang nagsagawa ng kilos protesta.
Ayon kay Slovenian Health Minister Janez Poklukar na kanila ng iniimbestigahan ang pangyayari.
Sa kasalukuyan ay nasa 47 percent ng dalawang milyong populasyon ng bansa ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.