-- Advertisements --

Pasok na sa Olympics sa unang pagkakataon ang basketball team ng Slovenia.

Ito ay matapos na talunin nila ang Lithuania 96-85 sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Zalgiris Arena sa Kaunas, Slovenia.

Ito rin ang unang pagkakataon na hindi makakapaglaro ang mens basketball team ng Lithuania.

Naging bida sa panalo ng Slovenia si Dallas Mavericks star Luka Doncic na nagtala ng 31 points, 11 rebounds at 13 assists.