Muling iginiit ni Slovenian Foreign Minister Tanja Fajon ang suporta ng Slovenia sa 2016 Arbitral Ruling at hinimok ang lahat ng bansa na sumunod dito, bago ang kanyang makasaysayang pagbisita sa Pilipinas.
‘I would like to express my solidarity with the Philippines in the face of challenges to security and international law in the South China Sea – or more precisely, in the West Philippine Sea. Slovenia is committed to international law and to the universal and unified character of UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea),’ ani ni Fajon sa isang pahayag sa media.
Ani Fajon, ipinapahayag nito ang pakikiisa ng Slovenia sa Pilipinas sa harap ng mga hamon sa seguridad at pandaigdigang batas sa West Philippine Sea (WPS).
‘This is not just about the South China Sea; it is about the integrity of the international legal order and respect for the rulings of international tribunals in general. Slovenia understands this well from its own experience,’ dagdag nito.
Matatandaang noong 2016, ibinasura ng Arbitral Tribunal ang nine-dash line ng China, ngunit patuloy itong tinatanggihan ng Beijing. Ayon sa datos noong Enero 2025, 27 bansa ang hayagang sumusuporta sa ruling, habang walo ang tumututol.
Si Fajon, ang kauna-unahang Slovenian foreign minister na bibisita sa Pilipinas, ay nasa bansa mula Marso 10 hanggang 12. Makikipagpulong siya kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo upang palakasin ang ugnayang bilateral.
Bilang kasalukuyang miyembro ng UN Security Council (2024-2025), aktibong isusulong ng Slovenia ang mga usaping pandaigdigan, kabilang ang maritime security sa nalalapit na pagpupulong sa ilalim ng Greek presidency sa Mayo.