-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng SM Sta. Mesa na sila ay makikipagtulungan sa PNP matapos na na mabiktima ng basag-kotse ang sasakyan ni ACT-CIS Rep. Niña Taduran.

Ayon sa pamunuan ng mall, handa silang makipag-ugnayan sa kanilang makakaya para sa imbestigasyon ng nasabing insidente.

Nauna rito, matapos na inihatid sa Malacanang ang mambabatas ay nagtungo sa nasabing establishimento ang kasamahan ito para kumain nitong Lunes ng gabi.

Laking gulat na lamang nila ng balikan ang sasakyan ay basag na ang likurang bahagi ng sasakyan.

Nakuha ng hindi pa nakikilalang suspek ang mga personal na gamit ng mambabatas ganun din ang P240,000 halaga ng mga gadgets kabilang na ang Congress-issued laptop, smartphone, cash na P8,000 at $500.