-- Advertisements --
Nilinaw ng Makati City local government na trabaho lang at hindi pinili ang tanggapan ng Smart para kanilang ipasara.
Nabatid na naglabas ng closure order ang mga otoridad dahil sa kawalan ng business permit mula pa noong 2019 at ang hindi nabayarang city taxes.
Lumitaw ang mga paglabag ng kompaniya matapos ang imbestigasyon ng Office of the City Treasurer.
Nakita rito na may pagkakautang ang telco giant na P3.2 billion sa franchise tax, mula Enero 2012 hanggang Disyembre 2015.
Nabigo rin ang kompaniya na makakuha ng kautusan sa korte na magpapahinto sa pagpapasara ng Makati City government sa kanilang headquarters.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag sa publiko ang telco, matapos ang nasabing pangyayari.