Inihayag ng COMELEC na inalis nito ang service provider na Smartmatic sa lahat ng procurements ng komisyon.
Ang pahayag ay sinabi ni Comelec Chairman George Garcia matapos ang lingguhang en banc session ng poll body.
Matatandaan na ng petisyon laban sa Smartmatic ay inihain ni dating Department of Information and Communications Technology chief Eliseo Mijares Rio Jr., Augusto Cadelina Lagman, Franklin Fayloga Ysaac, at Leonardo Olivera Odono noong Hunyo 15.
Ang Smartmatic ay hindi nakasunod sa ilang minimum system capacity na nagresulta sa malubhang iregularidad sa paghahatid at pagtanggap ng election return noong 2022 polls.
Sa isang pahayag kamakailan, inulit ng Smartmatic ang panawagan nito sa Comelec na ibasura ang disqualification petition laban sa kanila sa proseso ng bidding para sa 2025 automated election.
Una nang nanindigan ang firm na ang mga akusasyon laban sa kanila ay walang batayan at ang mga petitioner ay kulang ng ebidensya.