-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng dating technology service provider ng Comission on Elections (Comelec) na Smartmatic, na sila ang nasa likod na mga paninira laban sa poll body at mga opisyal nito.

Kasama na ang umano’y mga pekeng bank accounts ni Comelec Chairman George Erwin Garcia.

Matatandaang ipinakita ni Garcia ang mga dokumento para pasinungalingan ang mga alegasyong mayroon siyang offshore accounts, kasunod ng pagtukoy sa ilang grupo na responsable umano sa pag-atake sa poll body.

Hindi man direktang tinukoy ang Smartmatic na nasa likod ng mga paratang laban sa kaniya, ipinakita niya ang ilang indikasyon na posibleng mag-ugnay sa nasabing kompaniya.

Dismayado naman ang Smartmatic sa akusayson at nanindigang walang katotohanan sa mga ibinibintang ni Garcia.

Giit nila, hindi patas para sa kanila na batuhin ng paratang nang walang naipapakitang ebidensya.