-- Advertisements --

Labis ang kalungkutan ni San Miguel Beermen coach Leo Austria dahil sa paglipat sa ibang koponan ng kaniyang pangunahing manlalaro.

Unang lumipat si Arwind Santos noong Nobyembre 8 sa NorthPort kapalit ni Vic Manuel habang kapalit ni Alex Cabagnot sa TerraFirma si Simon Enciso.

Itinuturing na ang paglipat ni Santos sa ibang koponan ay ang katapusan na ng “Death Five” kung saan sila ang nagpanalo ng Beermen ng walong kampeonato kabilang All-Filipino titles.

Sinabi ni Austria na itinuturing niya ang paglipat ng dalawang manlalaro nito bilang isang napakalungkot na araw.

Aminado si Austria na naging mahina ang performance ng Beermen noong nakaraang conference kaya kailangan ng kaunting pagbabago.