-- Advertisements --

Hindi na napigilan ng San Miguel Beermen ang Barangay Ginebra para tuluyang makapasok sila sa finals ng PBA Governor’s Cup.

Nakuha ng Gins ang 102-99 na panalo kontra SMB at naitala ang 4-2 na bentahe sa best of seven semifinals sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

May tsansa pa sana ang Beermen na maitabla o maipanalo ang laban subalit hindi nagtagumpay ang ginawang attempt nina EJ Anosike at Jericho Cruz sa four-point territory.

Nanguna sa panalo ng Ginebra si Maverick Ahanmisi na nagtala ng 25 points, habang mayroong 21 points, pitong rebounds, pitong assists, tatlong steals at dalawang blocks si Justin Brownlee.

Makakaharap ng Ginebra sa finals ang TNT Tropang Giga na magsisimula sa araw ng linggo.