-- Advertisements --

Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang pirmahan ng memorandum of agreement (MOA) para sa Integrated Pasay Monorail at EDSA-Tramo Flyover Extension Project.

Ang nasabing proyekto ay gagawin ng SM Group na kasama rin ang opisyal nila sa MOA signing.

Sinabi ng kalihim na na nasabing proyekto ay hindi nalalayo sa LRT-1, MRT-3, EDSA Busway at EDSA Greenways.

Malaking tulong ito para mabawasan ang bigat ng trapiko sa bahagi ng Taft Avenue at Diokno Boulevard.