Iaapela ng Sonshine Media Network International (SMNI) ang desisyon ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na suspindihin ang 2 sa mga palabas nito.
Sinabi ni SMNI Legal Officer Mark Tolentino, ito ay isang preventive suspension lamang at hindi parusa kaya sila ay aapela.
Aniya, bago ang pasko, maghahain ang kanilang netwok ng motion for reconsideration.
Sinabi ni Tolentino na igigiit nila na walang urgency para sa Movie Television Review and Classification Board na suspindihin ang kanilang mga shows.
Matatandaan na naglabas ang Movie Television Review and Classification Board ng 14days preventive suspension na epektibo noong Disyembre 18 pagkatapos ng pagsusuri at imbestigasyon sa mga umano’y paglabag sa nilalaman ng kanilang mga palabas.
Una na rito, ang SMNI ang naging pokus ng mga pagdinig sa Kapulungan ng mga Kinatawan sa mga potensyal na paglabag sa prangkisa, kabilang ang pag-broadcast ng mga mali at mapanirang-puri na mga contents.