Naghain ng pleadings ang Sonshine Media Network International o SMNI sa National Telecommunications Commission o NTC at Movie Television Regulatory Classification Board o MTRCB tungkol sa suspensyon ng kanilang operasyon.
Bago pa rito, naghain na rin ang kampo ng SMNI ng motion for Bill of Particulars kung saan hiniling nila sa NTC na idetalye ang mga naging paglabag umano nila sa Certificate of Public Convenience (CPC) na naging dahilan para masuspinde ang kanilang operasyon at programa.
Ayon sa SMNI, hindi nakasaad sa kautusan na inilabas ng NTC ang mga naging paglabag nila sa Certificate of Public Convenience. Dahil dito, hindi anila sila makapaghain nang may basehan sapagkat hindi naman nila alam ang charges laban sa kanila.
Matatandaan na noong Disyembre ng nakaraang taon ay naglabas ng kautusan ang NTC na nagsususpinde ng tatlumpong araw sa operasyon ng SMNI dahil sa mga paglabag umano nito sa terms and conditions ng kanilang prangkisa.