Smuggled at hindi rehistradong pesticides,nasamsam ng FPA region 2
Nanawagan ang Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) Region 2 sa mga local government units at mga barangay na makipagtulunganupang mapigilan ang pagkalat ng mga smuggled at hindi rehistradong pesticides makaraang madiskubre sa lalawigan ng Nueva Vizcaya at Isabela
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Officer Leonardo Bangad ng FPA Region 2 na nagtungo ang kanilang team sa Kayapa, Nueva Vizcaya at nakita ang mga smuggled at hindi rehistradong pesticides.
Nakipagpulong sila sa mga opisyal ng barangay Acacia, Kayapa kung saan dinadala ang mga smuggled at hindi rehistradong pesticides.
Tuloy tuloy anya ang operasyon ng FPA region 2 at hiniling nila ang kooperasyon ng mga LGUs at mga opisyal ng barangay.
Maging ang mga magsasaka ay nagpahayag na rin ng kahandaang makipagtulungan upang masugpo ang operasyon ng mga nagbebenta ng mga smuggled at hindi rehistradong pesticides.
Samantala, inihayag pa ni Regional Officer Leonardo Bangad ng FPA Region 2 na nauna na rin nilang nadiskubre ang mga smuggled at hindi rehistradong pesticides sa sa mga bayan ng Roxas, Cabatuan at Aurora, Isabela.
Wala anyang label ang naturang pestisidyo na galing sa Thailand at walang instruction kung papaano ito gamitin.
Kanila anyang sinamsam ang mga naturang pestisidyo at gagamiting ebedensiya para sa pagsasampa ng kaso sa mga taong sangkot sa pagbebenta ng mga smuggled pesticides.
Ipinag-utos na rin nila ang pagpapatigil sa pagbebenta at paggamit ng naturang pestisidyo.