-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nasamsam ng mga otoridad ang mga smuggled na sigarilyo sa karagatan sa lalawigan ng Maguindanao.

Ito mismo ang kinomperma ni Datu Blah Sinsuat Mayor Fatu Mashall Sinsuat.

Nasa mahigit isang daang karton na mga smuggled cigarittes ang naharang ng mga tauhan ng Philippine Navy sa 4 nautical miles north east sa bayan ng Datu Blah Sinsuat.

Ang illegal na kontrabando ay nagmula pa sa Jolo na sakay ng motor boat.

Hinuli naman ang limang crew ng bangka na sina Masillam Sabburani 45 anyos, Asah Hadjirul 39, Alkabid Jumdaing 26, Kabil Hadjirul 25, at si Sman Hadjirul 40 anyos.

Walang naipakitang dokumento o kaukulang papeles ang mga suspek sa Philippine Navy sa pangunguna ni Lieutenant Ariel Mogol kaya hinuli sila at tinurn-over sa DBS PNP sa pamumuno ni Major Ronald De Leon.

Pinuri naman ni Mayor Datu Marshall Sinsuat ang tropa ng Philippine Navy at pulisya dahil sa pagiging aktibo ng mga ito lalo na sa mga dumadaan sa kanilang lugar.