-- Advertisements --
image 401

Nakatakdang sampahan ng mga kaso ang smugglers at hoarders ng mga produktong pang-agrikultura.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasunod ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikalawang ulat sa bayan nitong Lunes kung saan binalaan nito ang mga smugglers at hoarders na bilang na ang kanilang mga araw.

Ayon pa sa opisyal, navalidate na ng pamahalaan ang intelligence reports kaugnay sa pagkakakilanlan ng mga smuggler at hoarder.

Kung saan ilan aniya sa mga nasa likod ng agri-smuggling at hoarding ay natukoy na kahit noon pang nagdaang mga administrasyon.

Sinabi din ng Executive Secretary na ipinag-utos na ng Pangulo sa Department of Justice ang pagbuo ng isang task force laban sa smuggling.

Una rito, sa ika-2 SONA ng chief executive, sinabi nitong ang agri-smuggling at hoarding ang mga dahilan sa likod ng pagtaas na presyo ng mga produktong pang-agrikultura sa ating bansa.

Top