Nagpatawag ng snap election si Austrian Chancellor Sebastian Kurz makaraang magbitiw sa puwesto ang kanyang vice chancellor na sangkot sa isyu ng kurapsyon.
Bumaba sa kanyang tungkulin si Vice-Chancellor Heinz-Christian Strache matapos kumalat ang isang video kung saan mapapanood itong nag-aalok ng mga kontrata ng pamahalaan sa sinasabing mga Russian investors.
Sinisi rin ni Strache ang alak at pag-asta raw nito bilang “teenager,” at umalis daw ito upang hindi na mag-iwan pa ng kasiraan sa gobyerno.
Makikita rin sa video na binanggit ng vice chancellor ang mga state contracts kapalit ng umano’y pabor mula sa isang babae na nagpapanggap na pamangkin ng isang mayamang Russian.
“I have suggested to the president of the republic that new elections be carried out, at the earliest possible date,” wika ni Kurz.
“After yesterday’s video, I must say quite honestly: Enough is enough,” dagdag nito.
Giit pa ni Kurz, personal din daw itong nainsulto sa lumabas na footage, at wala rin daw silang mapagkasunduan ng vice chancellor.
Ang naturang video ay lumabas ilang araw bago ang European parliament elections. (BBC)