-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Patay ang isang bomb expert ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Law Enforcement Operation ng mga otoridad sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang suspek na si Alimudin Unggala, 18-anyos, binata,sniper, bomb maker at close-in security ni Kumander Ustadz Karialan.

Ayon sa ulat ng Maguindanao PNP na nagsagawa ng intel operation ang pinagsanib na pwersa ng Maguindanao PNP Intelligence Unit,1404TH, MAPIO/DI, NICA CTIC, NISU 64, NISG WM, FS-EM,3012nd AISS, 301st SMG at ODI-TOG12 ng Philippine Air Force sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.

Namataan ng mga otoridad ang suspek na sakay ng kanyang motorsiklo at nang sitahin ay nangtangkang manghagis ng granada kaya binaril.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan si Unggala kaya agad itong binawian ng buhay.

Narekober sa posisyon ng suspek ang isang granada at isang Improvised Explosive Device (IED) na nakatakda sanang pasabugin sa bayan ng Shariff Aguak Maguindanao.

Sa ngayon ay naghigpit pa ng seguridad ang pulisya at militar sa Maguindanao laban sa BIFF.