Arestado ang isang hinihinalaang miyembro ng Maute-ISIS terrorist Group ng mga operatiba ng NCRPO sa may bahagi ng Cubao, Quezon City.
Kinilala ni PNP chief Dir. Gen. Oscar David Albayalde ang naarestong terorista na si Unday Makadato, na umano’y sniper ng teroristang grupo.
Kabilang din daw ito sa listahan ng unang batch na inilabas na Martial Law arrest order number.
Ayon sa impormasyon nagwawala si Makadato sa lugar at ipinapakita nito ang bitbit nitong cal. .45 pistol at granada na naging dahilan kaya inireport si sa pulis.
Inaresto si Unday bandang alas-4:55 ng hapon kahapon dahil sa illegal possession of firearms and explosive.
Hinimok naman ni Albayalde ang publiko na maging alerto at agad ipagbigay alam sa mga otoridad kung may mga suspected individual sa kanilang mga komunidad.
Tiniyak ni Albayalde na lalo pang palalakasin ng PNP ang kanilang personnel security at maglulunsad ng mga pre-emptive at pro-active operations sa pakikipagtulungan ng AFP para i-neutralize ang iba’t ibang criminal at terrorists group.