Inatasang maging special correspondent ang international rapper na si Snoop Dogg ng isa sa pinakamalaking broadcast company ng United States of America para sa 2024 Paris Olympics.
Pinili ng Vice President of Olympic production Molly Solomon ng istasyon si Snoop Dogg matapos magviral ang isang commentary video ng rapper sa esquetarian match sa guesting niya bilang Olympic consultant sa 2021 Tokyo Olympics.
“We don’t know what the heck is going to happen every day, but we know he will add his unique perspective to our re-imagined Olympic primetime show,” wika naman ni Solomon.
Umani ng daang-libong engagements ang video ng komentaryo, na nagbukas ng pinto para kay Snoop Dogg para maging special correspondent sa nalalapit na Olympics.
“It’s a celebration of skill, dedication, and the pursuit of greatness… We’re going to have some amazing competitions and, of course, I will be bringing that Snoop style to the mix. It’s going to be the most epic Olympics ever, so stay tuned,” ayon sa rapper.
Sumikat si noong Snoop Dogg noong 1990’s, kung saan nanguna ang solo album niyang “Doggystyle” sa album charts.