-- Advertisements --
Albay Joey salceda
Albay Rep. Joey Salceda

Iniulat sa Bombo Radyo ni Albay Rep. Joey Salceda na kaninang alas-7:00 ng umaga ay lampas na sa 186 na mga mambabatas ang pumapabor kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco para palitan na bilang House of Representatives speaker si Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Salceda, nadagdagan pa raw kasi ang mga congressman na boboto kay Velasco batay sa kanilang viber group.

Ang mga congressman kasi ay merong social media group bilang bahagi ng kanilang kumunikasyon para sa lahat.

Biro naman ni Salceda, bagamat hindi naman daw ito “battle of viber group” lumalabas aniya sa kanyang monitoring na merong “snowballing effect” ang mga nagnanais na mga kongresista na palitan na ang liderato batay na rin sa gentleman’s agreement.

Kung maalala kahapon sa informal session ng mga supporters ni Velasco, iniluklok siya bilang bagong lider sa ginanap na pagtitipon sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City.