-- Advertisements --
suspeect massacre south cotabato

(Update) KORONADAL CITY – Tila nabunutan umano ng malaking tinik ang pamilya Magon matapos mabalitaang nahuli na ang kanilang kaanak at suspek sa nangyaring masaker sa Prk. Pag-asa, Brgy. Rizal, Banga, South Cotabato.

Nasa kustodiya na ngayon ng Banga PNP ang suspek na si alyas Paul Bautista o Gido Chemery Blatang sa tunay na buhay makaraang mamataan ito ng Cafgu na si Mike Lozano at isinumbong sa pulisya.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Bautista, sinabi nito na ang ginawa niya ang pananaga sa kaniyang mga kaanak ay dulot ng kinikimkim na galit bunsod daw ng diskriminasyon sa kaniya sa pagiging B’laan at sa pangmamaliit sa kaniya sa matagal ng panahon.

Nasa tatlo na ang naitalang patay makaraang pumanaw na rin ang asawa ng suspect.

Batay sa impormasyon, binawian na ng buhay si Monlene Magno-Bautista dahil sa mga sugat na natamo nito kaniyang ulo at sa kamay na halos maputol matapos masawi ang 11-anyos na si alyas Monmon at manugang nitong si Zeleny Magno.

massacre suspect south cotabato

Maliban sa mga namatay, sugatan din ang mga nagngangalang Magno-Bautista, Edmund Magno, Renante Magno, Albert Ramos, at Zeny Ramos.

Sinasabing sumakay pa ang suspek sa motorsiklo ng Cafgu na si Lozano at sinabi nitong pupunta siya sa Tacurong City bago pa man mahuli ng mga otoridad.

Sa ngayon labis aniya ang kaniyang pagsisisi sa kaniyang ginawa at humihingi ng kapatawaran sa kaniyang mga kaanak.

Samantala, agad namang ibinigay ni Mayor Albert Palencia ng bayan ng Banga ang P200,000 na reward sa unang nagbigay ng impormasyon sa suspek.

Nakatakda na ring sampahan ng kaukulang kaso si Bautista.