-- Advertisements --
Nagbitiw na sa kaniyang puwesto si Franz Pumaren bilang coach ng Adamson University Soaring Falcons.
Inanunsiyo mismo ng unibersidad ang pag-alis ni Pumaren matapos ang apat na taong coach ng nasabing koponan.
Nagpaso na kasi ang kontrata ni Pumaren sa Adamson noon pang Enero.
Nagdesisyon na lamang si Pumaren na tutukan ang kaniyang trabaho bilang konsehal sa ikatlong distrito ng Quezon City.
Hinawakan ni Pumaren ang Adamson noong UAAP Season 79 kung saan dinala ang Soaring Falcons sa tatlong magkasunod na Final 4 appearance subalit hindi ito nakapasok sa finals.