-- Advertisements --

Hindi nakompromiso ang soberanya ng bansa kasunod ng pagkakaaresto ng mga otoridad kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Sinabi ni Escudero, hindi naman mga dayuhan ang nagsampa ng kaso sa ICC kay Duterte kundi mga Pilipino. 

Wala naman aniyang dayuhan na nanghimasok at wala namang nakabinbing kaso dito sa bansa laban kay Duterte kaya hindi tamang sabihin na tinanggalan ng hurisdisyon  ang lokal na Korte at ipinasa ito sa international body. 

Giit pa nito, iba ang sitwasyon ni dating Congressman Arnulfo Teves dahil ito ay may nakabinbing kaso sa Pilipinas kaya sinisikap siyang maiuwi sa bansa mula Timor, Leste  para harapin ang kanyang kaso. 

Kaya wala raw nakikita si Escudero na pag-agaw ng hurisdiksyon ng Korte sa Pilipinas.