DAVAO CITY – Hindi bababa sa 50 na mga pamilya ang apektado sa nangyaring pag-ulan at pagbaha sa tatlong lungsod ng Davao Oriental mula pa noong Sabado.
Base sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction & Management Office (PDRRMO) Davao Oriental, nakaranas ng pagbaha ang Boston, Cateel, at Baganga.
Habang 30 na pamilya naman mula sa Barangay Abejod at 7 pamilya sa Barangay San Antonio sa lungsod ng Cateel ang inilikas.
Apektado rin ang mga residente sa ibang barangay gaya ng Sta. Felomina, Alegria, Poblacion, San Miguel, San Vicente, at Taytayan.
Sa kabilang banda, na-clear na ng mga otoridad ang highway sa Barangay Sibajay sa lungsod ng Boston kung saan mayroong nangyaring pagguho ng lupa.
Pwede na ring madaanan ng mga motorista ang kalsada sa Badas Mati kung saan mayroon ding nangyaring minor landslide noong araw ng Sabado.