Tiwala ang CEO ng Pfizer na ang pagbibigay ng bakuna ay lalampas sa mga pangangailangan sa pagtatapos ng 2021.
Tiwala si Pfizer Inc.’s chief executive Albert Bourla na maraming bakuna ang kanilang magagawa o mabubuo upang labanan ang COVID-19 bago matapos ang taong 2021.
Ito ang kaniyang kinumpirma makaraang aprubahan ng Britain ang isang bakuna na ginawa ng Pfizer at German biotechnology partner BioNTech kahapon.
Sinabi ng dalawang kompaniya na ang kanilang bakuna ay 95 porsyento na epektibo.
Ang British Medicines and Healthcare product Regulatory Agency (MHRA) ay nagbigay ng pag-apruba sa emergency use ng bakuna sa loob ng 23 araw lamang matapos na mai-publish ng Pfizer ang unang datos mula sa huling yugto ng klinikal na pagsubok.
Ang bakuna ay dapat na ilunsad sa susunod na linggo sa Britain.
Sinabi ni Bourla na kailangang tiyakin ng mga pamahalaan na ang iba pang mga hakbang ay hindi nakakarelaks pansamantala.
Aniya, mahalaga na gamitin ang bakuna bilang isang maayos na diskarte.
Hindi rin daw maikakaila na ito ang magiging pinakamabisa at may pinakapermanenteng epekto upang malabanan ang deadly virus.
Dagdag pa nito, kinakailangan ng gobyerno na lumipat sa isang mabisang pamamaraan at kabilang na rito ang makinig sa mga dalubhasa.