Isinasapinal na ng Department of Health (DOH) ang arrangements para sa sobrang mga COVID-19 vaccines na ibibigay na donasyon sa karatig na bansang Myanmar at sa Papua New Guinea.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakikipag-ugnayan na ang kagawaran sa naturang mga bansa para ibigay o i-donate ang mga excess vaccines sa bansa.
Kamakailan, isiniwalat ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Conception na nasa 27 million COVID vaccines ang nakatakdang mag-expire sa buwan ng Hulyo kung saan nananatiling milyon pang mga indibidwal ang hindi pa nakakatanggap ng booster dose.
Nilinaw naman ng DOH na karamihan sa mga bakunang malapit ng mag-expire ay binili ng mga local government units at ng mga pribadong kompaniya.
Nauna na ring sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakitaan ng dramatic decline sa pagbabakuna sa bansa.
-- Advertisements --