BUTUAN CITY – Ang sobra umanong pag-hype ng mga Pinoy kay Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa social media ang siyang nagpapahina sa mga Filipino na live na nanonood kanina sa Miss Universe 2020 coronation night matapos na hindi nakapasok sa Top 10 finalists ang pambato ng Pilipinas.
Ito ang pananaw ng Cabadbaranon na si Ferdinand Nakila na nagtuturo na ngayon sa Amerika matapos makitang nabakante kaagad ang portion ng lugar na inukupahan ng mga Pinoy sa pageant sa likuran mismo ng mga judges.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, posible umanong nairita na ang mga judges dahil sa sobrang ingay ng mga ito sakaling lalabas na sa entablado si Rabiya habang deadma lang sa ibang kandidata sa kabila na deserving ang mga ito na purihin.
Samantala dahil umano sa COVID-19 pandemic, may mga portions ng pageant na tinanggal gaya ng kanilang production o introduction number.