-- Advertisements --
LBJ and Zlatan
LeBron and Ibrahlmovic/ FB image

Binanatan ni Swedish soccer player Zlatan Ibrahimovic si NBA superstar LeBron James dahil sa pangingialam nito sa pulitika.

Sinabi 39-anyos na football player na pinagkakaisa ng mga atleta ang mundo habang ang pulitika ang siyang nagiging dahilan ng pagkawatak-watak ng mundo.

Dapat aniya na huwag ng pakialaman ng mga atleta ang mga nangyayari sa pulitika.

Pinayuhan nito ang Los Angeles Lakers star na tumutok na lamang sa basketball at huwag ng manghimasok sa mga usapin ng pulitika.

Bumuwelta naman si James at sinabing nais lamang niyang maging boses ng mga taong hindi naririnig ang hinaing sa lipunan.