-- Advertisements --

Pumanaw na ang soccer star na si George Baldock sa edad na 31.

Kinumpirma ito ng Ministry of Citizen ng Greece matapos na makita ang katawan nito sa swimming pool sa bahay niya sa Glyfada, Athens.

Nagsagawa agad ng imbestigasyon ang mga kasapi ng Attica Security Directorate at walang nakitang anumang criminal activity.

Maging ang kaniyang bahay ay walang senyales na mayroong nagpuwersang pumasok.

Nagbigay naman ng tribute ang koponang kinaaaniban nito ng Athens football club na Panathinaikos.

Nagrepresent siya ng Greece ng 12 beses sa kaniyang career.